5 ginto kinawil ni swimmer Alindogan sa 2 Palaro event
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Elyssa Nichole @Sports | May 28, 2026

Photo: Circulated
AGUSAN Del Sur - Humakot ng 5 gold medals ang tanker na si Riley Maddaleign Alindogan sa 2026 Palarong Pambansa matapos dominahin ang dalawang event na sinalihan nito kahapon na ginanap sa Aquatic Center sa Datu Lipis Makapandong Gov. D.O Plaza Sports Complex.
Sinisid ng pambato ng Bicol region, Alindogan ang ginto sa 200 meter freestyle Elementary Girls 12 & Under sa inirehistrong 2:17.97 minuto upang ungusan sina silver medalist Desire Ibarra ng Region I at Jenelle Vien Quinto ng Region 5 (Bronze).
Ayaw paawat sa pagdomina ni Alindogan nang sungkitin din ang gold medal sa 200 medal individual medley sa ipinasang tiyempo na 2:35.34 minuto, nakopo ni Ann Emmanuele Gallego ng Region 7 ang silver habang bronze ang nakopo ni Markish Douh Quicio ng Region I.
"Masaya po ako sa performance ko, inaalay ko po ito sa parents ko," wika ni Alindogan na nag-aaral sa St. Agnes Academy sa Legazpi City, Albay.
Noong Martes kinalawit nito ang 3 ginto nang magwagi sa 400-meter freestyle, 100 meter breaststroke at 4x50 meter medley relay sa event na inorganisa ng DepEd sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) ni chairman Patrick "Pato" Gregorio. May 6 na medalya sa kabuuan ang maiuuwi ni Alindogan dahil nakuha niya ang silver sa 50 meter Breastroke.





Comments