top of page

5 Benepisyo ng pagbibisikleta

  • BULGAR
  • Jun 16, 2022
  • 2 min read

Updated: Jun 19, 2022

ni Mharose Almirañez | June 16, 2022


ree

Bisikleta ang naging alternatibong paraan ng transportasyon noong ipinagbawal ang pagpasada ng mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


Ayon pa kay Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, “Hindi lamang alternatibong paraan ng transportasyon ang bisikleta, ang palagiang pagbibisikleta ay ehersisyo rin na makakatulong upang tumaas ang ating immune system, na lalo tayong inihahanda sa paglaban sa COVID-19 virus.”


Bilang karagdagang impormasyon, narito ang iba’t ibang benepisyo na maaari nating makuha sa pagbibisikleta:


1. NAKAKATULONG PARA MAGING PHYSICALLY HEALTHY. Ang pagbibisikleta ay mainam upang mabawasan ang risk sa cardio-vascular disease at iba pang karamdaman. Nakabubuti ito sa ating puso, baga at daloy ng dugo. Nakakapayat o nakakabawas din ito ng timbang dahil sa nasusunog na calories. Napatitibay din nito ang ibabang bahagi ng ating katawan, tulad ng quads, glutes, hamstrings at calves. Gaya ng nabanggit, ang pagbibisikleta ay katumbas ng pag-e-ehersisyo, kaya malaki ang tsansang ma-achieve ang iyong pinapangarap na chest, butt, waist and muscles.


2. NAKAKAAYOS NG MENTAL HEALTH. Maaari mong maging sandalan ang iyong bisikleta sa tuwing ikaw ay nababagabag. Ipadyak mo lang ang iyong mga paa at hayaan ang manibela’t pedal na mag-guide sa ‘yong lumilipad na isip. Matapos ang pagmumuni-muni sa mahabang biyahe, hindi mo namamalayang nagiging fresh na ang iyong utak at nahanap mo na rin ang sagot sa ‘yong agam-agam.


3. NADE-DEVELOP ANG SOCIALIZATION SKILLS. Ito ‘yung bonding na maituturing sa tuwing may kasama kang magbisikleta. Puwede kayong mag-rides sa highway, bundok, zigzag road, at kung saan-saang lupalop ng bansa. Puwede ka ring sumali sa marathon.


4. ECO-FRIENDLY. Kumbaga, walang usok na lalabas mula sa tambutso kaya makakabawas ka sa mga contributor ng air pollution. Menos gastos na rin dahil hindi mo na kailangang magpagasolina sa iyong bisikleta.


5. TIMESAVER. ‘Di hamak na mas mabilis ang biyahe gamit ang bisikleta kung ikukumpara sa mga sasakyang may apat na gulong. May sarili ring linya ang mga nagbibisikleta sa highway kaya sobrang tipid talaga sa oras dahil sa napaka-smooth na takbo.


So, beshie, kung hindi ka pa marunong magpatakbo ng bisikleta ay simulan mo na itong pag-aralan ngayon!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page