top of page
Liza Soberano - IG.jpg

5-anyos nagulugan ng van, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 12, 2026



5-anyos nagulungan ng van - Pasig CPS

Photo: Circulated / Pasig CPS

'


Nasawi ang 5-anyos na batang lalaki matapos magulungan ng van habang tumatawid sa kalsada sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Martes.


Makikita sa CCTV ang pagliko ng van alas-9 ng umaga bago nito magulungan ang bata. Agad na rumesponde ang mga bystander at nagpapatrolyang pulis.


Ayon kay Pasig City Police chief Police Colonel Wilson Delos Santos, dalawang beses na nagulungan ng van ang bata, sa harap at likurang bahagi nito. Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala sa tiyan.


Batay sa salaysay ng mga saksi, nakatambay umano ang bata sa isang nakaparadang e-bike bago tumawid ng kalsada. 


Sinabi ni Delos Santos na posibleng hindi nakita ng driver ang bata dahil mataas ang van at paliko ang sasakyan nang mangyari ang insidente. Hawak na ng pulisya ang 62-anyos na driver na nahaharap reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page