top of page

5.7 magnitude na aftershock sa Surigao del Sur, naitala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2023
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 5, 2023



ree

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang aftershock na may 5.7 magnitude sa ganap na alas-8:34 ng umaga ngayong Martes.


Ayon sa Phivolcs, isa itong aftershock ng lindol na may 6.8 magnitude na tumama sa Cagwait, Surigao del Sur noong Disyembre 4.


Natukoy ang sentro ng aftershock na 44 kilometro (km) sa hilaga-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, sa isang mababaw na lalim na 10 km.


Naramdaman ito sa Intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur, ayon sa Phivolcs.


Naitala rin ng kanilang mga instrumento ang pagyanig sa Intensity II sa City of Tandag, Surigao del Sur, at Intensity I sa City of Bislig, Surigao del Sur, at City of Cabadbaran, Agusan del Norte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page