top of page

Detainees na sangkot sa flood control anomalies, wala nang excuse para sa hospital arrest — DILG Sec. Remulla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

by Info @News | October 25, 2025



Jonvic Remulla - DILG FB

Photo: Jonvic Remulla - DILG FB



HOSPITAL ARREST NO MORE?


Hindi na umano kailangan ng hospital arrest ng mga sangkot sa flood control anomalies dahil handa na raw ang New Quezon City Jail sa Payatas para sa pangkalusugang pangangailangan ng mga makukulong dito, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.


Tiniyak ni Remulla na hindi na kailangan dalhin sa ospital ang mga high-ranking officials na posibleng makulong dahil may sapat nang medical facilities sa loob ng kulungan.


“Nakahanda na po yung 'PGH'—'Payatas General Hospital'. Meron po kaming infirmary dito. Lalagyan namin lahat ng resuscitation machine. Kung dialysis ang kailangan, maglalagay kami ng dialysis machine. Kung kailangan rin ng heart monitoring equipment, maglalagay rin kami,” ani Remulla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page