5,500 trike drivers, nabigyan ng ayuda
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | April 9, 2026

Aabot sa 5,500 tricycle drivers mula sa Lungsod ng Biñan, Laguna ang nabigyan ng cash ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A kahapon sa pagsisimula ng distribusyon ng tulong para sa mga public utility drivers.
Ang tulong na P5,000 para sa bawat drayber ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Higit 24,000 tricycle drivers pa mula sa 12 lungsod sa CALABARZON ang sabay-sabay na nabigyan ng ayuda.






Comments