5.4 lindol, yumanig sa Occidental Mindoro
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 8, 2026

Photo: Phivolcs
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang malaking bahagi ng Southern Tagalog, kabilang ang ilang lugar sa Metro Manila at Central Luzon, umaga ng Biyernes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay yumanig alas-10:38 ng umaga at unang naitala sa magnitude 5.8, ngunit kalauna'y ibinaba sa magnitude 5.4 matapos ang masusing pagsusuri.
Natukoy ang episentro ng lindol sa 13 kilometro timog-kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro, na may lalim na 14 kilometro.
Sinabi ng ahensya na ang pagyanig ay tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang Instrumental Intensity V sa Mamburao, Occidental Mindoro at Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Sa ngayon, wala pang iniulat na malaking pinsala o nasawi kaugnay ng lindol, habang patuloy na mino-monitor ng Phivolcs ang sitwasyon at posibleng mga aftershock.





Comments