top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

4PS, 'di dapat nilulustay sa bisyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 20, 2023


Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang muling pagsusuri sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na na-tag bilang “non-poor” sa ilalim ng Listahanan 3, isang standardized poor household targeting system.


Sinabi ng DSWD na ang re-evaluation ay bahagi ng pagsisikap ng kagawaran na pahusayin ang pagpapatupad ng 4Ps, na naglalayong puksain ang intergenerational poverty sa bansa.


Samantala, gagamitin ang tool ng Social Welfare and Development Indicator (SWDI) upang masuri at masubaybayan ang antas ng kondisyon ng pamumuhay ng mga sambahayan ng 4Ps.


Ginagamit ng DSWD ang tool na ito para sa case management upang sukatin ang pag-unlad ng mga sambahayan sa economic sufficiency at social adequacy at mapabuti ang kanilang well-being.


Upang matukoy ang mga intervention na kinakailangan para sa family self-sufficiency, ang mga sambahayan ay ikinategorya sa tatlong antas gamit ang SWDI batay sa kanilang antas ng pang-ekonomiya at social adequacy: survival, subsistence, at self-sufficiency.


Habang isinasagawa ang assessment, hinimok ni Gatchalian ang mga benepisyaryo ng 4Ps na patuloy na sumunod sa mga kondisyon ng programa para sa kapakanan ng kanilang mga anak at pamilya, hindi lamang para sa cash grant.


Kabilang sa mga kondisyon ay ang regular na pagpasok sa paaralan, preventive check-up para sa mga bata hanggang limang taong gulang, prenatal at post-natal care para sa mga nanay, at pagdalo sa buwanang family development session.


Ang mga benepisyaryo na tinatayang “self-sufficient” ay magtatapos sa 4Ps program at pormal na iiwan ang inisyatiba sa pamamagitan ng “Pugay-Tagumpay” graduation rites.


Sa totoo lang, dapat tanggalin na ng tuluyan ang ibang miyembro ng 4Ps dahil may mga pagkakataon na nilulustay lang nila ang perang ipinagkakaloob sa kanila.


Imbes na pagkain, ang kanilang binibili ay alak o minsan ay pinangsusugal, ‘yung iba naman ay ginagamit pa sa pagpapaganda, kaya marami pa rin ang nagugutom.


Suriin sana nang mabuti ng DSWD ang talagang karapat-dapat bigyan ng tulong dahil maraming iba r’yan ang talagang kapos sa buhay at walang mahihingian ng tulong.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page