46 bahay sa ilalim ng tulay, natupok
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 13, 2026

Photo: DPWH-NCR
Aabot sa 46 kabahayan ng mga informal settler families ang natupok sa sunog sa ilalim ng Culiat Bridge II sa kahabaan ng Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City, Sabado ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naitala ang sunog alas-9:49 ng gabi at umabot sa ikaapat na alarma bago tuluyang maapula alas-11:26 ng gabi.
Idineklara itong fire under control alas-10:56 ng gabi.
Ayon kay Fire Senior Inspector Rodrigo Delos Santos, Station 1 Commander ng BFP-Quezon City, itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog dahil sa kritikal na lokasyon nito.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang bahay sa ilalim ng tulay.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan, maliban sa isang bumberong nakaranas ng hirap sa paghinga.





Comments