top of page

433 winners, first time sa PCSO history

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2022
  • 1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 2, 2022



Hello, Bulgarians! Tumataya ka ba sa Lotto? Isang nakakamanghang pangyayari ang naganap noong Oktubre 1, 2022 ng inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang makasaysayang pagkapanalo ng 433 mananayang nakakuha ng jackpot prize na P236,091,188.40 sa Grand Lotto 6/55 winning combination 09-45-36-27-18-54


Ang resulta sa naganap na GrandLotto draw ay indikasyon sa kasabihang the more you play, the more chance of winning, ang PCSO ay games of chance, walang siyentipikong paliwanag o statistics na kasangkot upang matukoy ang winning numbers.


Ang mga nanalo sa jackpot ay makakatanggap ng Php545,245.23 at mababawasan ng 20% buwis alinsunod sa TRAIN Law, kaya nasa P436,196.19 ang maiiuwi ng bawat isa, samantala ang mga maswerteng ahenteng nagbenta nito ay makakakuha ng komisyon na 1% ng jackpot prize.


Ayon sa PCSO, sinisiguro ng ahensya na bawat resulta ng araw-araw na laro ay transparent at mayroong integridad.


Para sa mga mapapalad na nanalo, mangyaring pumunta lamang sa PCSO’s main office sa Madaluyong City at magpakita ng dalawang valid ID para makuha ang nasabing premyo.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page