42 kadete, tinuluyan sa ‘muriatic acid’ hazing
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 9, 2026

Photo: File
Tuluyan nang sinipa palabas ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang 42 kadete dahil umano sa patuloy na pagtanggi at pananahimik kaugnay ng imbestigasyon sa nangyaring hazing sa hindi bababa sa 22 sophomore cadets noong nakaraang buwan.
Ito ang kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Maynila nitong Biyernes.
“They were expelled for keeping quiet. They were there at the barracks when it happened. The ones who kept quiet, who condoned it, who didn’t report it, all of them have been dismissed,” ani Remulla.
Naganap ang insidente noong Abril 3 sa loob ng barracks sa PNPA campus sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite, kung saan pinahiran umano ng halo ng drain cleaner at muriatic acid ang 22 sophomore cadets.
Dahil dito, sinampahan ng kaso ang pitong kadete at dalawang technical officers na naka-duty sa barracks noong araw ng insidente dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act sa tanggapan ng Cavite prosecutor’s office.




Comments