4 patay sa pamamaril sa train station sa Chicago
- BULGAR

- Sep 3, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Overseas News | September 3, 2024

Namatay ang apat na katao sa pamamaril sa isang commuter train sa labas ng Chicago noong umaga ng Labor Day, ayon sa pulisya. Tatlong tao ang idineklarang patay sa Forest Park station, isang above-ground stop sa Blue Line ng Chicago Transit Authority.
Namatay naman ang ikaapat na biktima sa ospital. Nakatakas ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto sa isang tren sa ibang ruta, ayon sa pulisya ng Forest Park.
“A weapon was recovered,” pahayag ni Forest Park Deputy Chief Chris Chin. "There is no immediate threat. This appears to be an isolated incident on this unfortunate day.”
Tinawag ang pulisya bandang alas-5:30 ng umaga. Sinabi ni Chin na wala pa siyang impormasyong maibabahagi tungkol sa mga biktima.








Comments