top of page

4 patay sa banggaan ng ambulansiya at truck sa Quezon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | October 14, 2020




Apat sa pitong nakasakay sa ambulansiya ang namatay matapos bumangga sa isang ten-wheeler truck sa Quirino Highway sa Tagkawayan Quezon nitong Miyerkules nang umaga.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, galing umano sa Gubat, Sorsogon ang ambulansiya papuntang Bulacan nang mabangga ito sa isang ten-wheeler truck na galing naman sa Maynila papuntang Naga City.


Parehong sira ang unahan ng mga sasakyan dahil sa lakas ng impact.


Patay agad ang driver ng ambulansiya pati na rin ang kasama nitong nakaupo sa harap.


Kuwento ng isa sa personnel ng Tigkawayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP), nahirapan umano ang mga rescuer dahil mga naipit sa steel frame ang mga pasahero ng ambulansiya.


Ilan pa sa mga namatay sa insidente ang isang bata at isa pang pasahero na nadala pa sa Maria L. Eleazar Memorial District Hospital ngunit pumanaw din.


Isa pang babaeng pasahero ng ambulansiya ang nasa kritikal na kondisyon habang ang dalawa naman na nasugatan ay nagpapagaling na sa ospital.


Ayon sa Tagkawayan Municipal Police Station official, ang may kasalanan sa insidente ay ang driver ng truck dahil umabot ito sa opposite lane na naging dahilan ng pagbangga.

Samantala, tumanggi naman ang truck driver at sinabing ang driver ng ambulansiya ang may kasalanan dahil dumaan umano ito sa kanilang linya.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page