top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

4 pang bata at lola, sapul... Bomba sumabog sa kalsada, 8 yrs. old todas

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | October 5, 2026



Bomba sumabog sa Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela - SK Sinamar - Circulated

Photo: Bomba sumabog sa kalsada ng Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela - SK Sinamar / Circulated



Patay ang isang walong taong gulang na batang lalaki habang limang iba pa ang sugatan matapos ang naitalang pagsabog sa Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela kahapon ng umaga, Oktubre 4.


Kinilala ang nasawing bata na si alyas JM, Grade 3, habang ang mga sugatan ay apat na batang lalaki at 85-anyos na lola na kinilalang si Gloria.


Nabatid sa imbestigasyon na bago ang pagsabog ay pinaglaruan ng mga batang biktima ang isang bagay na gawa sa bakal na suspetsa ng mga otoridad ay isang explosive device.


Isang saksi ang nakakita sa mga biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada at matapos ang ilang minuto ay nakarinig ng pagsabog kasunod ang pagkahandusay ng mga sugatang bata.


Mabilis na isinugod ang mga biktima sa ospital subalit hindi nakaligtas si JM.

Patuloy na nilalapatan ng lunas ang limang sugatan sa insidente habang inaalam pa ng Roxas Police kung anong uri ng hinihinalang explosive device ang pinaglaruan ng mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page