top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 o 5 boxer, aasahan ng ABAP na pansabak sa olympics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 2, 2020




Umaasa ang pamunuan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makakapagpadala pa sila ng karagdagang apat o higit pang mga Filipino boxers sa darating na Tokyo Olympics sa susunod na taon sakaling buksan na ang mga qualifying tournaments at humupa na ang pananalasa ng coronavirus pandemic.


Malaki ang paniniwala ni ABAP president Ricky Vargas na madaragdagan pa ang mga boksingerong pinoy sa Summer Games kasunod ng pagkakakuha ng direktang ticket nina middleweight Felix Eumir Marcial at flyweight Irish Magno sa Asia-Oceania Boxing Qualification Tournament sa Prince Hamzah Sports Hall sa Amman, Jordan noong Marso.


Kabilang sa mga inaasahan nitong may tsansa pang makarating sa quadrennial meet sina 2019 world featherweight champion Nesthy Petecio, SEA Games light-flyweight champion Carlo Paalam, Ian Clark Bautista at Olympian Rogen Ladon.


We’re hoping that we can qualify four or five more athletes sa Olympics,” wika ni Vargas sa lingguhang online PSA Forum. “This could be the most number of boxers sa Olympics in recent memory if it happen,” dagdag nito, kasama si ABAP secretary-general Ed Picson.

Kumpiyansa si Vargas na makakayanang makabawi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa women’s featherweight sa oras na sumabak ito sa qualifying tournament. Alam ni Vargas ang kakayanan ng 27-anyos na tubong Santa Cruz, Davao del Sur na makabawi sa darating na laban kasunod ng masaklap na pagkatalo laban kay Japanese boxer Sena Irie sa quarterfinal match via 1-4 split decision sa under-57kgs division noong qualifying match sa Jordan.


Nesthy is very eager to qualify and redeem herself,” wika ni Vargas. “90% sure na kaya niyang manalo sa qualifying. Ganyan naman siya, minsan mataas, minsan mababa, pero ngayong darating na qualifying panigurado focus siyang makuha ito,” dagdag ng dating POC president.


Malaki rin ang pagnanais ni Paalam na makapasok sa Olympiad na gusto ring iangat ang sarili matapos lumuhod kay fourth seeded Saken Bibossinov ng Kazakhstan via unanimous decision sa men’s flyweight box-off ng Amman Tournament.


Higit pa sa pagnanasang makapasok ang maraming bilang ng boksingero sa quadrennial meet, sinabi rin ni Vargas na, sa tingin niya ay mataas ang posibilidad na magwagi ng medalya o may tsansang maiuwi ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas ng 3-time SEA Games champion na si Marcial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page