4 nakasilong sa waiting shed, sapul sa kidlat

ni BRT @News | October 17, 2026

Photo: File / Sonny Angara - DepEd
Sugatan ang apat na katao na nakasilong sa waiting shed nang tamaan sila ng kidlat sa Sibalom, Antique.
Sa ulat ng GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Brgy. Maasin nitong Miyerkules ng tanghali.
Sa imbestigasyon, malakas ang ulan nang magpasya ang tatlong lalaki at isang babae na sumilong sa waiting shed nang bigla silang tamaan ng kidlat.
Isinugod sila sa ospital na nagtamo ng mga paso sa katawan, pero maayos na ang kalagayan.





Comments