top of page
Search
  • BULGAR

4 na miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko

ni Twincle Esquierdo | November 22, 2020





Apat na miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa Sulu nitong Sabado. Sa isang pahayag ng militar, iniharap kay 1102 Infantry Brigade Commander Brigadier General Ignatius Patrimonio ang apat na isinuko kay Lieutenant Colonel Rafael Caido, commanding officer of the Philippine Army's 6th Special Forces Battalion.


Kinilala ang mga sumuko na sina Radzmel "Amil" D. Said, Abu Sayyaf senior leader Hatib Hajan Sawadjaan na matagal nang pinaghahanap ng gobyerno na residente ng Patikul, Sulu, at pamangkin ni Hatib Majid Said a.k.a. Amah Patit.


Aktibong miyembro rin ng Abu Sayyaf ang dalawang kapatid nito na nakumbinsing sumuko ni Captain Froilan Pinay-an ng 20th SF Company matapos makita ang maayos na pagtrato sa mga sumuko.


Sumuko rin si Serhamal Bahjin Alli, apo ni Abu Sayyaf senior leader Radulan Sahiron kay 13th SF Company under 1st Lieutenant Filmar Luzon.


Meron itong M60 machine gunner at M16 rifle with ammunition na isinuko. Kabilang sa mga sumuko sina Muknan S Hadjirudin at Sali Kadil Ammad, na parehong nasa pangangalaga ni Abu Sayyaf subleader Alhabsy Misaya, residente ng Barangay Punjungan, Kalinggalan Caluang, Sulu at isinuko rin nila ang kanilang M1 Garand rifles.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page