top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

4 estudyante, patay sa leptos

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | September 20, 2026



4 estudyante, patay sa lepto

Photo: FP



Nagluluksa ngayon ang Sta. Maria National High School sa pagpanaw ng apat nitong estudyante na sinasabing nasawi dahil sa leptospirosis.


Ayon sa paaralan, dalawa sa mga nasawi ay Grade 12 students, habang tig-isa naman mula sa Grade 10 at Grade 8.


Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Sta. Maria National High School sa mga pamilya at mahal sa buhay ng apat na estudyante sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.


Sa pahayag ng paaralan, binigyang-diin nito ang kanilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya at ang kahalagahan ng mga alaala na iniwan ng mga estudyante sa kanilang mga guro, kaklase at buong komunidad ng paaralan.


Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkakadikit sa tubig o lupa na kontaminado ng ihi ng mga hayop na may leptospira bacteria.


Karaniwan itong nagiging banta kasunod ng pagbaha, partikular sa mga lugar na maaaring kontaminado ang tubig-baha.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page