33-anyos na reporter, pedophile raw sa 18-anyos na PBA player BF… KAKAI, TO THE RESCUE KAY APPLE, NAGBANTA NG DEMANDA
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni RJ Matocinos @Showbiz Special | July 25, 2026

Photo: IG _ajravsss
Hindi inurungan kundi diretsahang binuweltahan ng komedyanang si Kakai Bautista ang mga tinawag niyang "clout chasers" at bashers na nambabatikos sa kanya sa social media matapos niyang ipagtanggol ang relasyon ng PBA reporter na si Apple David (33 yrs. old) at ng basketbolistang si Chad Gammad (18-anyos).
Binalaan ni Kakai ang mga content creators at netizens na nanamantala sa pamba-bash para magkaroon ng engagements.
Giit niya, naka-ready na ang kanyang legal team para magsampa ng kaso sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act (RA 10175) laban sa mga nagpapakalat ng maling akusasyon kay Apple, gaya ng "grooming" at "pedophilia."
"Kapag pumitik ako at grabe na kayo, there's a lawyer who's just waiting... Manahimik kayo lalo na 'yung mga nakiki-WiFi lang at saka hindi insured, ha?!" hirit ng komedyana.
Ibinunyag din ni Kakai na bukod sa kanyang mga pahayag online, personal pa niyang pinuntahan si Apple David upang kumustahin ang mental health nito sa gitna ng matinding bashing.
Mabilis namang nag-trend at inulan ng magagandang komento mula sa mga netizens ang matatapang na pahayag ng komedyana.
Ilan sa mga komento ng mga netizens…
“Napakatalino. Napakaayos. Nakakaaliw. We need more Kakai in our lives.”
“Ang sarap panoorin kapag si Kakai ang ini-interview kasi may substance and smart sumagot. I really like her.”
“Admired your honesty, Kakai.”
Sa ngayon, nananatiling buo ang paninindigan ng aktres na walang sinuman sa social media ang may karapatang maging hukom, habang wala namang pormal na legal na reklamo laban sa magkasintahan.
WALA nang makakapigil sa patuloy na pagdomina ng P-pop Kings na SB19 sa pandaigdigang entablado!
Mapapanood na nang live at global ang kanilang makasaysayang performance sa Lollapalooza 2026 sa pamamagitan ng streaming giants na Disney+ at Hulu!
Isa na namang napakalaking milestone ito para sa P-pop at sa buong Pilipinas habang itataas nina Pablo, Stell, Ken, Justin, at Josh ang watawat ng bansa sa isa sa pinakamalalaking music festivals sa buong mundo.
Dahil sa live broadcast na ito, sabay-sabay na makikiisa ang mga A'TIN saanmang sulok ng daigdig para sa makasaysayang yugtong ito!
Agad na nag-trend sa social media ang panalo at pambihirang balitang ito, at hindi napigilan ng mga netizens na ibuhos ang kani-kanilang reaksiyon.
Ilan sa komento ng mga fans:
“Uy, SB19! I can do this all day with you! Lezzgaaaaaw”
“Eto na nga magsa-subscribe na. Alam na alam n’yo talaga paano kami mapipilit. Salamat sa confirmation, Disney+ PH”
“Ginalaw din ang baso ni Disney, sa wakas!”





Comments