top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

33-anyos na lalaki, tiklo... Binatilyo, ni-rape sa comp shop

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2
1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 2, 2026



33-anyos na lalaki, tiklo... Binatilyo, ni-rape sa comp shop

Photo: File



Sa halip na maglaro ng computer games, ang 15-anyos na binatilyo ang “pinaglaruan” at ginawan ng kahalayan sa loob ng internet cafe sa Davao City.


Arestado ang isang 33-anyos na may-ari ng internet cafe matapos magsumbong ang menor-de-edad na biktima sa kanyang mga magulang sa ginawa umano sa kanya ng suspek sa loob ng shop.


Wala umanong tao sa internet shop maliban sa 15-anyos na binatilyo kaya sinamantala umano ito ng suspek at hinawakan ito sa maselang bahagi ng katawan.


Dinala umano ang biktima sa loob ng isang kuwarto saka ito hinalay ng suspek.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang lola na ipinaalam naman sa ina ng bata kaya agad na nai-report sa mga awtoridad na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.


Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa paratang sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page