31 bansang ‘high risk’, bawal muna ang flights sa Kuwait
- BULGAR

- Aug 2, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 2, 2020

Ipinagbawal muna ng Kuwait ang mga commercial flights sa 31 bansa na nasa high risk dahil sa pagkalat ng coronavirus, ayon sa Directorate General of Civil Aviation.
Kasama sa 31 bansa ang India, Pakistan, Egypt, Pilipinas, Lebanon at Sri Lanka, kung saan may malaking bilang ng expatriates sa Kuwait. Gayundin, ang China, Iran, Brazil, Mexico, Italy at Iraq.
Samantala, ibinigay ang naturang anunsiyo kasabay ng araw na magsisimula ang partial resumption ng commercial flights sa Kuwait.
Gayundin, ayon sa awtoridad, magbubukas ang Kuwait International Airport na may 30% capacity lamang simula kahapon at unti-unting pagdami ng kapasidad sa mga susunod na buwan.
Pinayuhan rin ng health ministry ang lahat ng non-essential travel na sumunod sa mga health protocol, sabi sa Twitter post ni spokesman Tariq al-Muzaram.
Nagtala ang Kuwait ng 67,000 coronavirus cases, na may 400 namatay. Nagsimula na rin ang five-phase plan ng naturang bansa noong June para sa graduwal na pag-aalis ng covid-19 restrictions. Subalit, ang partial curfew ay nananatili sa iba’t ibang lugar sa Kuwait, ayon sa Reuters.





Comments