30 Chinese, nag-party sa KTV bar, ni-raid
- BULGAR

- Sep 26, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 26, 2020

Tatlumpong Chinese ang natikitan matapos makipag-birthday party at lumabag sa social distancing sa isang KTV bar sa Makati City kagabi.
Sinalakay ng awtoridad pasado alas-10:30 kagabi ang isang KTV bar at restaurant sa nasabing lungsod at ayon sa pulisya, punumpuno ang mga VIP room at walang distancing measures tulad ng plastic divider sa mga mesa ng resto bar.
Paliwanag ng isa sa mga Chinese, may birthday party at kumakain lang umano sila at hindi nila alam na meron silang violation na nagawa.
Kinumpiska ng Makati City Public Safety Department (PSD) ang IDs ng mga Chinese at tinikitan ang mga ito dahil sa paglabag sa social distancing.
Ayon kay Makati PSD Chief Ronaldo Borbon, sa city hall na malalaman ang halaga ng tubos ng mga nakuhang ID. Pinauwi rin agad ang mga Chinese na nakapagbigay ng ID. Gayunman, tumangging magbigay ng komento ang manager ng establisimyento, subali’t mananagot din ito sa insidente.





Comments