30-anyos Pinoy, kinilala bilang No. 1 sa eKata World Ranking
- BULGAR

- Oct 15, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 15, 2020

Kinilala ang 30-anyos Pinoy na si James de los Santos bilang World’s No. 1 pagdating sa virtual kata rankings. “I proudly raise this flag with triumph. I am the new World No. 1 eKata player,” post sa Facebook ni De los Santos.
Nagwagi ng 15 gintong medalya ang Pinoy karateka simula pa noong April sa isinagawang virtual karate at makapag-uuwi pa ng dalawang golds ngayong linggo mula sa 1st Euro Grand Prix e-Tournament at sa e-Karate Games.
Ayon kay De los Santos, nang una siyang sumali sa kompetisyon noong April, napag-alaman niyang magkakaroon ng mga serye ng virtual tournaments at isang world ranking system na inorganisa ng SportData kaya labis ang kanyang ginawang pag-eensayo.
Dagdag ni De los Santos, noong August 6 nang makamit niya ang No. 2 spot, lamang ng humigit-kumulang 3,000 points para sa puwestong No. 1 ang kanyang kalaban. “I thought to myself, ‘Wow that’s a big gap.
How am I ever going to reach that?’” sabi ni De los Santos na nakaramdam ng panghihina sa una, subali’t dahil sa kanyang kata coach na si Masa Saito, naalala niya ang sinabi nitong, “Take it one tournament at a time.”
“The hard work has paid off; it is now official. I am the No. 1 in the eKata World Ranking,” sabi ni De los Santos matapos ang 7-buwang pagsabak sa kompetisyon sa iba’t ibang tournaments na ginaganap linggu-linggo.





Comments