top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 taong bisa ng rehistro, bawas-gastos sa rider

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 25, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 25, 2023


Pinalawig ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade ang tatlong taong validity ng rehistro ng mga bagong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa.


Sa pahayag ni Tugade noong Linggo, naglabas siya ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395, alinsunod sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, at Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Batas ng 2018.


Bago ang anunsyo, tanging ang mga motorsiklo na may engine displacements na hindi bababa sa 201cc ang kuwalipikado para sa tatlong taong validity ng kanilang paunang rehistro sa LTO.


Ngunit sa isang pahayag, nilinaw ng LTO sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 na ang tatlong taong validity ng rehistro ng sasakyan ay ipinagkaloob na rin para sa mga motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa.


“It is hereby directed that initial registration of brand new motorcycles with engine displacement of 200cc and below shall be valid for three years,” saad ni Tugade sa kanyang memorandum circular.


Ayon kay Tugade, nagpasya siyang magbigay ng kaparehong tatlong taon na validity ng rehistro ng sasakyan maging sa mga motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa kasunod ng pag-aaral na isinagawa ng ahensya.


Ang ilang mga hakbang na ito ay bahagi umano na ipapatupad ng LTO upang mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento at magbigay ng karagdagang kaginhawahan sa publikong nakikipagtransaksyon.


Batay aniya sa nakaraang datos ng LTO, hindi bababa sa dalawang milyong motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiya ngayong taon.


Ayon sa mga umiiral na mga alituntunin sa pagpaparehistro ng sasakyan, ang mga may-ari ng mga motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa ay dapat na magparehistro bawat taon kapag ang tatlong taong validity ng kanilang paunang rehistro ay natapos na.


Magandang balita ito para sa mga nagbabalak kumuha ng motorsiklo at makakatipid sila sa pagpaparehistro dahil tatlong taon na ang validity nito.


Alam natin na medyo may kamahalan ang pagpaparehistro ng motorsiklo, kaya sana ay huwag na nilang dagdagan pa ang mga babayaran dahil lamang ginawa nilang tatlong taon ang bisa ng rehistro.


Bad news naman ito para sa mga matagal nang may motorsiklo dahil hindi sila kabilang sa bagong polisiya na ito at kada taon pa rin nila kailangang magparehistro.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page