top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

3 taon nang olats… Misis na gustong makatikim ng jackpot, sa taong 2027 mananalo!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 6, 2023



Dear Maestro,


Almost three years na akong tumataya sa lotto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatikim ng panalo. Sana mabigyan n’yo ako ng masuwerteng numero upang makaahon na kami sa kahirapan at mapag-aral ko na ang apat kong mga anak.


Isa akong katulong habang ang mister ko naman ay pa-extra-extra sa construction at minsan ay nagtatrabaho rin sa bukid.


Ano ba ang masuwerteng numero na magpapatama sa amin? Ang birthday ko ay April 6, 1988 habang ang mister ko ay January 12, 1982.


Umaasa,

Aya ng Muzon, SJDM, Bulacan

Dear Aya,


Bukod sa sarili mong numero o birth date na 6 at destiny number na 9 (4+6+1988=1998/ 19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9) habang 3 naman ang birth date ng mister mo, na may destiny number na 6 (1+12+1982=1995/ 19+95=114/ 11+4=15/ 1+5=6) kapwa kayo mapalad sa tinatawag na numerong series of 3-6-9.


Ibig sabihin, lahat ng numero na may sumatotal na 3-6-9 ay mapalad sa inyo, tulad ng 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45 at iba pang uri nito. Puwede n’yo ring subukan ang 5, 16, 23, 25, 34 at 42, gayundin ang 3, 15, 21, 33, 37 at 40. Maaari rin kayong humugot ng kumbinasyon mula sa Kabalistic of Numbers: 2413/ 1930/ 1827/ 1874.


Bukod sa nasabing mga numero, kapwa rin kayo mapalad sa kulay na red, blue at violet. Ang nasabing mga kulay ang lagi n’yong suotin at gamitin, upang mas madali n’yong mahigop ang magaganda at positibong kapalaran.


Bukod sa nasabing mga numero at kulay, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-15 ng Marso hanggang sa ika-27 ng Mayo, mula sa ika-15 ng Hulyo hanggang sa ika-27 ng Agosto at mula sa ika-15 ng Nobyembre hanggang sa ika-27 ng Disyembre, higit lalo sa mga petsang series of 3-6-9, tulad ng 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18, at 27.


Upang matiyak ang malaking panalo maghanap ng lotto outlet na malapit sa isang restaurant, kainan o kaya’y karinderya. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo sa taong 2027 at sa edad mong 39 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page