3 sugatan, sakay ng AUV na bumangga sa concrete barriers at poste ng MRT3 sa QC
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 1, 2020

Sugatan ang tatlong sakay ng AUV matapos na bumangga ito sa concrete barriers at poste ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa Quezon City, kaninang umaga.
Nangyari ang aksidente sa EDSA southbound malapit sa Aurora Tunnel sa Cubao.
Nagtamo ng minor injuries ang tatlong sakay ng AUV at dinala sa East Avenue Medical Center. Hindi naman nasaktan ang drayber na si Noel Cansejo sa aksidente.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic operations chief Bong Nebrija, napag-alamang colorum ang AUV na nagmula sa Isabela kung saan sakay ang tatlong pasahero.
Gayundin, P2,500 ang napagkasunduang pamasahe ng bawat pasaherong magbibiyahe mula Isabela hanggang Metro Manila. Mayroon ding UV Express sticker na nakatago sa view ng AUV.
Inamin ng drayber na nakatulog siya habang nagbibiyahe bago nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan. Sa ngayon, hindi pa naaalis ang AUV sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.





Comments