top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

3 sugatan sa pagsabog sa butane refilling station

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 6, 2026



Ang pagsabog at sunog na nagmula sa butane refilling station sa Brgy. Cuambogan, Tagum City - Circulated

Photo: Ang pagsabog at sunog na nagmula sa butane refilling station sa Brgy. Cuambogan, Tagum City - Circulated



Sugatan ang tatlo katao matapos magkaroon ng pagsabog at sunog na nagmula sa butane refilling station sa Brgy. Cuambogan, Tagum City, Davao del Norte.


Bahagi ng refilling station ang nasunog sa pagsabog subalit maagap na naapula ang apoy dahil sa mabilis na pagresponde ng  mga kagawad ng pamatay sunog.


Ang tatlong sugatan ay agad na dinala sa pagamutan at nilalapatan ng lunas.


Patuloy na inaalam kung ang insidente ay nagmula sa nag-leak na LPG, o kagamitan na nagkaroon ng malfunction o human error.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page