3 pasahero, nahulihan ng P18.6M droga sa NAIA

ni Mai Ancheta @News | September 25, 2026

Photo: Ang P18.679 million halaga ng kush na nasabat - Bureau of Customs PH
Tiklo ang tatlong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga sa kanilang mga bagahe, Huwebes ng umaga.
Galing ang mga pasahero sa Bangkok, Thailand, at pagsapit sa NAIA Terminal 3 ay nakita ang kontrabando sa kanilang mga kagamitan.
Sa pagsusuri ng Bureau of Customs sa kagamitan ng tatlong pasahero, nakita ang hinihinalang high-grade marijuana o kush na tinatayang 18,679 grams na nagkakahalaga ng P18.679 million.





Comments