top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

3 pares ng tsinelas, pahiwatig na may 3 dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 1, 2023



Analisahin natin ang panaginip na pinadala ni Giovann ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bibili ako ng tatlong pares ng tsinelas, pero hindi ko makita ang kapareha nu’ng isang pares, kaya nagdesisyon ako na umuwi na lang. Gayunman, naligaw ako sa daan at hindi ko makita ang aking daraanan dahil madilim.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Giovann


Sa iyo, Giovann,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng tatlong pares ng tsinelas ay may tatlo kang karelasyon na halos ay pantay-pantay sa iyong paningin. Dahil dito, hindi mo malaman kung sino sa kanila ang pakakasalan mo. Gayunman, ang piliin mo lang ay ‘yung pangatlo dahil ‘yun ang wala pang sabit at puwede mong pakasalan.


Samantala, ‘yung naligaw ka pag-uwi dahil madilim ay nangangahulugang may sagabal sa mga pangarap mo. Marami kang pagdaraanang pagsubok bago magtagumpay.


Ang bilang na 3 naman ay pagtitiis ang ibig sabihin kung saan mag-uumpisa ka muna sa unang baitang bago makarating sa itaas.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page