3 huli sa akto sa droga

ni Maeng Santos @News | November 4, 2026

Photo: Buy-bust operation sa Brgy. Malinta, Valenzuela City. P107,916 halaga at 15.87 gram shabu nasabat - Northern Police District
Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng droga, kabilang ang isang babae, sa buy-bust operation sa Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, nahuli ang mga suspek, edad 22, 26 at 33, matapos umanong magbenta ng shabu sa isang undercover police, alas-10:48 ng umaga.
Nasamsam sa operasyon ang 15.87 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P107,916 at buy-bust money.





Comments