3 huli sa akto... P8.4M LPG ‘paihi’, buking
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | May 8, 2026

Photo: File / RIzal Police Provincial Office
Timbog ang tatlong lalaki sa ikinasang operasyon ng pulisya, matapos mabisto ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal.
Sa imbestigasyong ibinahagi ng Philippine National Police, timbog sa buy-bust ang mga suspek na sina alyas Ruth, Elvira at Rodel, pawang nasa hustong gulang.
Ayon kay Rizal provincial police director Col. Eleazar Barber Jr., ikinasa ang buy-bust matapos magsagawa ng test-buy ang isang undercover agent bunsod ng nakalap na impormasyon sa umano’y ilegal na bentahan ng LPG sa naturang bayan.
Narekober ang nasa 246 basyo ng 11 kilogram LPG, 22 piraso ng 2.7 kilogram LPG cylinder, dalawang storage tank at dalawang bullet trailer. Sa pagtataya ng pulisya, aabot sa P8.481 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na ebidensya.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act ang mga naaresto.





Comments