top of page
Search
  • BULGAR

3 coastal areas sa Visayas at Mindanao, positibo pa rin sa red tide

ni Lolet Abania | August 22, 2022



Tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao ang positibo pa rin sa toxic red tide na lumampas sa regulatory limit, batay sa tests na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Sa isang advisory na may petsang Agosto 18 subalit ini-release ngayong Lunes, nagbabala ang BFAR sa publiko kaugnay sa pagkain sa lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang na nakolekta sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.


Samantala, ang isda, pusit, hipon, at crabs ay ligtas na kainin subalit dapat na ang mga ito ay sariwa at hinugasan ng mabuti, habang inalis ang mga laman-loob gaya ng hasang at bituka bago lutuin.


Matatandaan noong Agosto 5, ang BFAR ay nag-isyu na rin ng katulad na babala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page