3 aso nilason, bahay pinasok ng kawatan

ni Mervin Reyes @News | September 25, 2026

Photo: Circulated
Patay ang tatlong aso matapos umano silang lasunin ng isang kawatan upang maisagawa ang pagnanakaw sa isang bahay sa Leon, Iloilo.
Ayon sa may-ari ng mga aso, pinakain umano ng salarin ang kanyang mga alaga ng chorizo na may lason. Dito umano nagawang pasukin ng kawatan ang bahay at tangayin ang chainsaw na nagkakahalaga ng P30,000.
Naiulat na sa pulisya ang insidente at iniimbestigahan na ang pagnanakaw at pagkamatay ng tatlong aso. Gayunman, walang CCTV camera sa lugar na maaaring makatulong na matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.





Comments