top of page
Search
  • BULGAR

29-anyos na buntis, nireyp ng binatilyo, napaanak nang wala sa oras

ni Lolet Abania | June 16, 2022



Napaanak nang wala sa oras ang 29-anyos na buntis matapos siyang halayin umano ng isang binatilyo sa Echague, Isabela, nitong Lunes ng umaga.


Sa pagsisiyasat ng awtoridad, nautusan ng kanyang mister ang buntis na misis na bumili ng yelo sa tindahan. Pauwi na ang misis sa bahay nang makasabay nito ang 17-anyos na binatilyo.


Nang makarating sila sa lugar ng mga sagingan, itinulak ng suspek na binatilyo ang biktimang misis, saka isinagawa umano ang panggagahasa.


Agad na isinugod sa ospital ang biktima dahil sa naranasang matinding pagdurugo. Sumailalim naman sa operasyon ang biktima na nanganak nang wala sa oras dahil sa nangyaring insidente.


Sa ngayon, nagrerekober na ang biktima sa ospital kasama ang kanyang beybi na nasa maayos na kalagayan. Nahuli naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga opisyal ng barangay.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang binatilyo na siyang itinuturong nanghalay sa misis na buntis. Ayon pa sa mga awtoridad, sinampahan na ng reklamong rape ang binatilyong suspek.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page