26 volcanic quakes, yumanig sa paligid ng Taal; nananatili sa Alert Level 1
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | August 26, 2020

Muling nagtala ng 26 volcanic quakes sa paligid ng Taal Volcano at kalapit na lugar sa loob lamang ng 24-hour observation period, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa Taal bulletin, ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 1 (abnormal) ang estado ng bulkan.
Bukod sa nirekord na 26 volcanic quakes, nakitaan rin ng Phivolcs ang mahinang steaming o fumarolic activity na may taas na 50 metro na lumabas sa northwest, southwest at southwest at pagbitak sa Daang Kastila Trail.
Gayunman, patuloy ang paalala ng Phivolcs, sa publiko ng alert level status ng bulkan, sa biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas na maaaring mangyari at magdulot ng panganib sa mga lugar malapit sa Taal Volcano Island (TVI).
Dagdag pa ng Phivolcs, ipinagbabawal ang pumasok TVI, Taal’s Permanent Danger Zone (PDZ), lalo na ang bisinidad ng main crater at ang Daang Kastila trail.
Pinapayuhan rin ang local government units (LGU), sa pagsasaayos ng mga evacuated barangay sa paligid ng Taal Lake sa posibleng maging pinsala nito, pati na rin ang pagkakaroon ng road accessibility. Ayon pa sa Phivolcs, kinakailangan ng patuloy na paghahanda, pagpapatupad ng contingency at communication measures sakaling muling pumutok ang bulkan.
Gayundin, pinaalalahanan ang publiko na maging alerto sa maaaring idulot ng pagbitak ng lupa sa mga lugar, posibleng ashfall at pagkakaroon ng mga paglindol.
Samantala, inabisuhan na ang civil aviation authorities, na dapat na iwasan muna ng kanilang mga piloto ang pagtungo sa lugar malapit sa bulkan dahil sa ibinubuga nitong airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagsabog at wind-remobilized ash na magdudulot ng panganib sa kanilang aircraft, ayon sa Phivolcs.
Patuloy ang isinasagawa ng DOST-Phivolcs ng closed monitoring sa aktibidad ng Taal Volcano.





Comments