26 Filipino sa ibang bansa, bagong COVID-19 positive — DFA
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 20, 2020

Nakapagtala ng 26 bagong kaso ng COVID-19 ang mga Filipinong nasa ibang bansa at may kabuuan ng 9,959 ngayong Miyerkules ayon sa Department of Foreign Affairs.
Samantala, 5,868 na rito ang gumaling at 733 ang namatay kaya naman may kabuuang
3,358 active case.
Nakapagtala rin ngayong araw ng 8 gumaling at 7 namatay.
Ang mga nagpositibong kababayan ay mula sa Asia Pacific (357); Europe (501); Middle
East at Africa (2,341) at America (159).
Sa ngayon ay may kabuuang 173,774 katao na ang nagkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas na may 2,795 namatay at 113,481 gumaling.





Comments