top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

26-anyos na tambay, kulong sa baril

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | September 16, 2026



File in prison - PNP Valenzuela City Police Station

Photo: File



Isinelda ang 26-anyos na tambay nang manggulo at maghamon ng away habang armado ng baril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.


Nagpapatrulya ang mga tauhan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili sa Brgy. Longos nang lapitan sila ng isang concerned citizen upang isumbong ang suspek na si alyas Tuks.


Nang magtungo sa sinasabing lugar ang mga pulis, naaktuhan nila si “Tuks” na naghahamon ng away, hawak ang isang baril kaya maingat siyang nilapitan ng mga pulis saka kinalawit.


Nasamsam sa kanya ng mga tauhan ni PMaj. Brian Ramirez, Commander ng Malabon Police Sub-Station-5 ang isang improvised gun o sumpak na kargado ng isang bala ng kalibre .38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page