top of page

26-anyos na misis, nanganak sa vaxx facility

  • BULGAR
  • Aug 24, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 24, 2021



Isang 26-anyos na ginang ang napaanak na lamang sa isang vaccination facility sa Makati City nitong Lunes nang hapon.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsilang ng babaeng sanggol ang ginang sa vaccination facility sa MMDA main headquarters matapos siyang dalhin ng tricycle driver na ama ng beybi sa lugar nang alas-5:27 ng hapon para humingi ng tulong.


Gayunman, habang hinihintay nila ang ambulansiya na magdadala sa ginang sa ospital, naghanda naman ang vaccination team ng isang makeshift na delivery table para makahiga ang ginang.


Pagkalipas ng 14 minuto, nanganak ang ginang ng malusog na baby girl.


Sinabi pa ng MMDA, nasa mabuting kalagayan na ang mag-ina, habang dinala na rin sila sa malapit na pagamutan.


Ayon sa ama ng beybi, dinala niya ang ginang sa isang lying-in na malapit sa Guadalupe Church subalit sarado ito kaya naisipan niyang dalhin na lamang sa vaccination facility ng MMDA.


Pinuri naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang maagap na ginawa ng vaccination team para sa ginang.


Aniya, karamihan sa mga tumulong sa pagpapaanak sa naturang ginang ay naka-assign sa Road Emergency Group ng ahensiya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page