top of page

24-anyos na Fil-Am, binaril sa ulo sa California, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 10, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 10, 2023




Patay ang isang 24-anyos na lalaking Filipino-American matapos barilin sa California sa mismong gabi ng Bagong Taon.


Kinilala ang biktimang si Andrei Gianan na mula sa Torrance, California.


Kagagaling lang sa trabaho ng biktima at papunta sa isang kasiyahan para sa Bagong Taon nang bigla na lang itong barilin.


Natagpuan ang katawan ng lalaking may tama sa kanyang ulo sa Peck Avenue sa Manhattan Beach bandang 1:00 ng umaga nu'ng Enero 1.


Ayon sa kapatid ni Andrei na si Nina, ang nangyari sa kanyang kapatid ay isang walang kabuluhang akto ng karahasan na lubos na nag-iwan ng pighati sa kanilang pamilya.


Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktimang i-donate ang mga organ nito sa nangangailangan.


Hindi pa natutukoy kung sino ang bumaril sa biktima kaya patuloy pa rin ang Homicide Bureau ng Los Angeles County Sheriff's Department sa pag-iimbestiga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page