23.5 B loan ng ‘Pinas sa Japan, aprubado na
- BULGAR

- Jul 1, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 01, 2020

Humigit-kumulang 50 billion yen o Php23.5 bilyon ang inutang ng Pilipinas mula sa Japan sa paglaban nito sa COVID-19.
Pinirmahan ngayong Miyerkules, Hulyo 1, ang The Crisis Response Emergency Support Loan na pinroseso ng wala pang isang buwan. Ito ang pinakamabilis na loan na naproseso mula sa official development assistance financing package ng Japan.
Ang utang na ito ay maaaring bayaran sa loob ng 15 taon na may 4-year grace period. Ito rin ay may fixed interest rate na 0.01% per annum.
Ang hiniram nap era ay gagamitin sa taong 2020-2021 ng Department of Health at National Economic and Development Authority.
Masayang ibinahagi ni Japanese Ambassador Koji Haneda na sila ang kauna-unahang donor-country na makapagbibigay ng ganitong loan sa Pilipinas.





Comments