by Eli San Miguel @Overseas News | August 19, 2024
Nakakaranas ng cholera outbreak ang Sudan, na pumatay ng halos 22 katao at nagdulot ng sakit sa daan-daang iba pa nitong mga nakaraang linggo, ayon sa ulat ng mga otoridad sa kalusugan.
Nahaharap ang bansa sa isang 16-buwang mga sigalot at matinding pagbaha, na nakapagtala ng hindi bababa sa 354 na kumpirmadong kaso ng cholera kamakailan.
Hindi tinukoy ni Health Minister Haitham Mohamed Ibrahim ang eksaktong panahon para sa mga kasong ito o mga pagkamatay. Gayunpaman, iniulat ng World Health Organization ang 78 pagkamatay mula sa cholera at higit sa 2,400 na may sakit sa Sudan mula Enero 1 hanggang Hulyo 28 ng taong ito.
Ang kolera ay isang impeksyon na mabilis kumalat. Nagdudulot ito ng malubhang pagtatae, na nagreresulta sa dehydration at maaaring magdulot ng kamatayan kung hindi agad na maagapan. Kumakalat ito sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig.
Comments