top of page
WINNER - SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHI

22-anyos, umaming may gusto sa pinsan ng BF, sinaksak sa dibdib

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | November 3, 2026



22-anyos, umaming may gusto sa pinsan ng BF, sinaksak sa dibdib

Photo: File



Sugatan ang isang 22-anyos na babysitter matapos saksakin sa dibdib ng kanyang nobyo dahil umano sa selos sa General Trias City, Cavite.


Kinilala ang biktima sa alyas Jen, habang naaresto ang suspek na si alyas Son, 23, isang construction worker.


Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang magkasintahan kasama ang apat na kaibigan nang aminin ng biktima na may gusto siya sa pinsan ng kanyang nobyo.


Nauwi sa pagtatalo ang pag-amin hanggang sa kumuha umano ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib.


Isinugod sa ospital ang babae, habang sumuko naman ang suspek sa mga rumespondeng pulis matapos ihatid ng kanyang tiyahin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page