21-anyos, huli sa baril

ni Maeng Santos @News | November 28, 2026

Photo: Ang 21-anyos na nahulihan ng calibre 22 na baril sa Bagong Silang Caloocan - NPD
Timbog ang 21-anyos na kelot nang maaktuhang hinihimas-himas ang hawak na baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrolya ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa Phase 4, Package 4, Brgy. 176, Bagong Silang ala-1:30 ng madaling-araw.
Naaktuhan ng mga tauhan ng West Bagong Silang Police Sub-Station (SS12) si alyas Popoy na nakaupo sa maliwanag na eskinita habang hinihimas-himas umano ang hawak na baril.
Nilapitan ng mga pulis at kinumpiska ang hawak na isang kalibre .22 revolver na kargado ng dalawang bala at nang walang naipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad nito ay inaresto ang suspek.





Comments