Tupas, horse trainer of the year
- Ding Taboy
- Jun 22, 2020
- 2 min read

Inihayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) na nangungunang horse trainer sa bansa ay si Ruben S. Tupas nang makapagtala ng 106 panalo noong 2019. Naging matagumpay ang kampanya ni Tupas nang sumabak sa 550 na laban. May 93 2nd place, 80 tersera at 64 na 4th sa loob ng isang taon na karera. Pumangalawa si horse trainer Danilo S. Sordan na may 534 laban at 87 na panalo, 63 segunda, 69 na tersera at 52 na 4th runner up. Nasa pangatlong puwesto si E.S. Roxas na may 234 na laban,63 ang primero, 41 ang 2nd, 36 ang 3rd at 24 ang 4th places. Nakuha ang 4th place ni horse trainer C.M Vicente na may 462 laban 64 ang nanalo, 71 ang segunda, 56 tersera at 60 ang 4 th places. Naitala sa 5th si Q.M. Rayat sa 498 na laban 69 ang nanalo,72 ang 2nd places, 61 ang 3 rd places at 77 ang 4th place. Itinanghal na 6th si R.C Hipolito nang makapagtala ng 335 na laban 52 ang primera, 50 ang segunda, 41 ang tersera at 39 ang 4 th runner up. Pang-7 si R.R Henson na nakapagtala ng 103 na laban, may 23 ang panalo, 21 segunda,10 ang tersera at 17 ang 4 th places. Nakamit ni R.E Mongaya sa 384 na laban ang 52 na panalo, 55 ang 2nd, 40 ang 3rd at 61 ang 4th places. Pang-9 si A.C Sordan Jr. na may 385 na laban, 53 ang nanalo, 48 ang segunda, 39 ang tersera at 54 ang 4th place at 10th place si horse trainer R.M Rivera na may 407 laban, 46 ang nanalo, 41 ang 2nd, 63 ang 3rd at 38 ang 4th place.





Comments