top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Iba’t ibang dahilan kung bakit pinupulikat ang tao

  • Shane Ludovice
  • Jun 22, 2020
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Madalas pulikatin ang aking mga paa lalo na sa gabi habang nakahiga ako. Ano kaya ang sanhi nito? Okay naman ako at walang anumang maintenance na gamot. Ano ang dapat kong gawin?

– Morris

Sagot

Sa leg cramps o pamumulikat, ang tinatamaan nito ay ang “calf muscles” sa mga binti. Ito ang muscle na madalas nating igina­galaw.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinupulikat ang tao:

  1. Labis na pag-eehersisyo o akitibidad na masyadong physica­l.

  2. Paulit-ulit na paggamit ng parehong muscle.

  3. Pagkakatayo nang matagal sa buong maghapon.

  4. Pag-upo nang hindi wasto o nakabaluktot ang dakong mga binti at paa.

  5. Pagtulog na nakatutok ang electric fan o aircon sa may dakong mga binti.

Kung sakaling pinupulikat habang lumalangoy, huwag mag-panic. Ang dapat gawin ay piliting mag-float lamang sa tubig habang nagaganap ito. Kapag tapos na ang atake ng pulikat, marahang ikampay ang mga paa hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kasamahan.

Ang mga naglalaro ng basketball ay karaniwan ding pinupulikat. Matindi kasi ang pressure ng calf muscles habang nagba-basketball.

Kung nagiging madalas naman ang atake ng pulikat, ma­iging magpa-blood test para sa level ng calcium sa dugo. Ang mababang level ng blood calcium na tinatawag na “hypocal­cemia” ang isa sa mga posibleng sanhi ng pamumulikat.

Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium tulad ng keso, dilis, gatas at iba pang dairy products.

Narito ang remedyo sa pamumulikat:

Kung nararamdaman ng pamumulikat, lalo na kung natutulog, iunat lamang ang apektadong binti at piliting higitin pataas ang dulong daliri ng paa.

Kung nakaupo, iunat din ang buong binti at paa at abutin ng mga kamay ang paa. Hatakin ang dulong daliri ng paa papunta sa direksiyon ng katawan (toes pointing upwards). Panatilihin ang ganu’ng posisyon sa loob ng ilang minuto hangga’t may pulikat pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page