Tennis World Champ Nadal sinorpresa ang pinoy player
- ATD
- Jun 21, 2020
- 1 min read

Nasorpresa ang mga batang tennis players kasama ang Pinay na si Australian Open girls’ doubles champion Alex Eala habang nage-ensayo sa kanilang training camp sa Mallorca, Spain. Sapagkat personal silang pinanood ni Grand Slam champion Rafael Nadal. Iskolar si Eala sa Rafa Nadal Academy na pag-aari ni Nadal. Malaking tulong ang pagbisita ni Nadal sa academy, ginanahan ang mga bagitong netters habang pinapanood ang kanilang ginagawa ensayo. Nabigyan din ng ispirasyon ang mga batang tennis players lalo na si Eala na pambato ng Pilipinas. Naniniwala ang fans ni Eala na nahasa ng todo ang kanilang idolo sa Rafa Nadal Academy. Sa edad na 15, hawak na nito ang ikaapat na puwesto sa International Tennis Federation girls’ ranking, ang pinakamataas na puwestong naabot ng isang Pinoy junior netter sa kasaysayan ng Pilipinas. Napatunayan ang tikas ni Eala sa isang Grand Slam title - ang Australian Open girls’ doubles crown kasama si Indonesian Priska Madelyn Nugroho noong Enero sa Melbourne Park sa Australia.





Comments