top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Didal, nagkampeon sa Asian online skate championships

  • VA
  • Jun 21, 2020
  • 1 min read

Itinanghal na kampeon ang Asian Games gold medalist at Olympic hopeful na si Margielyn Didal sa women's division ng idinaos na kauna-unahang Asian Skateboarding Championships 2020 online skate. Nagwaging kasama niya sa online video tournament ang kapwa niya Cebuano na si Motic Panugalinog na siya namang namayani sa men's class. Nagposte si Didal ng score na 8.00 upang magkampeon sa women's class kung saan tinalo niya ang pinakamahigpit niyang nakatunggali na sina Yurin Fujii (7.50) ng Japan at Orapan Arwen Tongkong (7.46) ng Thailand. Nakapagtala naman si Panugalinog ng iskor na 8.92 para magapi sina Basral Graito (8.34) ng Imdonesia at Firas Ahmed Al-Hinai (8.34) ng Oman. Parehas na nagwagi sina Didal at Palugalinog ng tig- $250 para sa month long event na inilunsad noong nakaraang buwan. Umabot sa kabuuang 162 video entries ang dumaan sa masusing deliberasyon ng mga skate judges mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Idinaos ang lockdown event upang mapanatiling aktibo at "creative" ang mga skateboarders sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page