Free bike sa national athletes isa-isa nang ipinamimigay ng POC
- ATD
- Jun 20, 2020
- 1 min read

Masayang-masaya si volleyball setter Rhea Dimaculangan sa natanggap na bike mula sa Philippine Olympic Committee.
Nakaraan lamang ay nag-anunsyo ang POC sa pamumuno ni president Abraham "Bambol" Tolentino na magbibigay sila ng libreng bisikleta para sa mga national athletes upang magamit sakaling tumungo sa kanilang training.
"Sobrang naexcite ako, nakita ko on how they gave me the bike, kasi naka bus pa. It made me super proud being a Filipino athlete," saad ni Dimaculangan. "They sanitized my bike properly and naka PPE pa yun nagbigay."
Naisip ng POC na magbigay ng bike sa mga national athletes upang hindi mahirapang bumiyahe sakaling magpunta sila sa gym para magpa kundisyon at mag training.
"Thank you so much, Philippine Olympic Committee! It was indeed an unforgettable experience for me," ani Dimaculangan.
Marami na ring mga atleta ang nakatanggap ng bike mula sa POC.
Si Dimaculangan ay miyembro ng national volleyball team na lumaban sa 2019 Southeast Asian Games, (SEAG) na ginanap dito sa Pilipinas.





Comments