top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Thurman, naghahamon ng rematch kay Pacman, gustong makabawi

  • Gerard Arce
  • Jun 19, 2020
  • 2 min read

HINDI umano titigil sa kanyang pangako si dating welterweight champion Keith “One Time” Thurman na mabawi ang kanyang nawalang titulo kay Eight-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao hangga’t hindi niya nakikitang nagreretiro ang Pambansang Kamao. Sa oras na manumbalik umano ang normal na takbo ng pampalakasan sa buong mundo, malinaw sa isipan ng dating undefeated champ na hilinging makakuha ng ‘rematch’ laban sa Fighting Senator na halos mag-iisang taon na ang nakakaraan ng matalo ito sa pamamagitan ng ‘Split Decision’ para sa World Boxing Association (WBA) 147-lbs title sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I want the opportunity to get my title back,” giit ni Thurman sa panayam ng Boxingscene.com. “It was my title that [Pacquiao] took and I would love that opportunity. It’s not mandated or forced upon him, so it’s just really up to him and what he’s choosing to do. Until he finishes his career out, I will demand that rematch,” bulalas nito. Nakuha ng Filipino boxing ang panalo sa bisa ng dalawang huradong sina Tim Cheatham at Dave Moretti na nagbigay ng 115-112, habang 114-113 naman para kay Thurman mula kay Glen Feldman. Kasunod nito ay nagkaroon ng pinsala sa kanyang kaliwang kamay si Thurman (29-1, 22KOS) na nagpahinto sa kanya sa buong 2019, habang hanggang ngayon ay wala pang laban si Pacquiao (62-7-2, 39KOs) na naghahanap pa rin ng sunod na makakatapat, na sinabayan din ng pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic. Nais ng American boxer na makaganti sa 41-anyos mula General Santos City para matupad ang pangarap nitong makatapat si Errol Spence Jr upang ma-unify ang dalawang titulo nito na World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) 147-lb titles. “I had a goal in mind, I had a dream that when I fight Errol Spence, Jr. it will be for three world titles one way or another. Originally, I was the undefeated, unified welterweight champion. Now, currently he is the undefeated, unified welterweight champion,” esplika ng 31-anyos na Clearwater, Florida-native. “If I step into the belts with him today, there’s only two belts on the line,” dagdag nito. Sinisisi umano nito si Pacquiao sa kawalan ng pagkakataong makatapat ang 30-anyos na undefeated champion dahil inagaw nito ang titulo sa kanya, na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang balikang muli upang mabawi ang nawalang title belt.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page