Paraan para makilala ang sarili sa pamamagitan ng pagdedesisyon
- Nympha
- Jun 18, 2020
- 2 min read

IKAW ba ay pinangungunahan ng iyong puso, isip o pakiramdam kapag may pinagpapasyahan kang isang bagay? “Upang malaman kung anong aspeto ang nagpapakontrol sa ‘yo ay makikita mo ang balanseng proseso na makatutulong upang makapagsagawa ka ng isang mainam na desisyon at maunawaan ang bagay hinggil dito,” ayon kay Jordan Weiss, M.D. may- akda ng Our Secret Rules.
1. Ang paboritong shade na pula ay: a. pale rose b. maroon o burgundy c. bright ruby 2. Pagdating sa pagbabago, kadalasang dama ang pagiging: a. optimistiko o positibo b. maingat c. excited 3. Kapag naliligaw ka ng lugar, ang ginagawa mo ay: a. magtatanong ng direksiyon sa taong makakasalubong b. titingin sa bitbit na mapa c. bibigyan pa ng tsansa ang sarili na mahanap ang tamang lugar na hinahanap 4. Sa umaga, kadalasang kumakain ng: a. matamis tulad ng cake o muffin b. masustansiyang pagkain tulad ng vitamin-packed cereal, breakfast shake o dalawang itlog c. kung ano lang ang nar’yan, kanin o tinapay basta’t masarap ang pagkaluto, ayos na 5. Kapag ang kaibigan ay humingi ng payo, madalas ikaw ay: a. nakikinig at nagbibigay ng sagot na sa tingin mo ay papabor siya b. maingat na kinokonsidera ang lahat ng anggulo at mag-aalok ng tapat na gagawin niya at bagay na nadarama mong paraan para makatugon sa problema niya c. sasagot kaagad dahil nagtitiwala ka. 6. Kung bibili ng bagong gadgets, ang unang gagawin: a. tatanungin muna ang mga kaibigan kung ano ang kanilang opinyon hinggil sa modelo b. tsekin kung angkop ang program para sa iyong lifestyle/work mode c. ikaw na mismo ang susuri sa items 7. Pagdating naman sa pananamit: a. pipili ka ng magugustuhan at pupurihin ng loved-ones mo b. mahalaga ang kasuotan dahil magagamit pa ito sa ilang mga okasyon na darating c. ‘yan ang disenyong dapat kang magkaroon
Kung ang sagot mo ay halos puro A: Ikaw ay pinangungunahan ng iyongpuso. Romantiko at positibo ang kababaihang pinangungunahan ang puso sapagdedesisyon at matibay na naniniwala na ang goodwill vibes ay daratingsakaling puso ang pairalin niya sa pagpapasya. Kapag nais niyang gawin angbagay na alam niyang tama, ginagawa niya ito para sa pangangailangan ngiba. “Ang mga isinasapusong pagpapasya ay palaging may hatid na magandangnadarama,” dagdag ni Marilyn Graman, psychotherapist at may-akda ng “TheFemale Power Within.” Gumagawa ka ng mga bagay na higit pa upangmapaligaya ang iba kaysa sa sarili.
Kung ang sagot ay halos B: Isip mo ang namamayani sa pagpapasya.Organisado ka at madiskarte. Alam mo kung saan hahanap ng katotohanan atnaniniwala ka na ang iyong damdamin ang siyang magpapalito ng mga bagay.“Malalim kang mag-analisa,” ani Weiss. Pero hindi mo naman isinasara angiyong damdamin o kutob. Sa pagbalanse ng kutob at isip sa pagpili, nabibigyanmo ang iyong sarili ng desisyong dama mo rin ay tama.
Kung puro C ang sagot: Mas tiwala ka sa iyong kutob. Ang malakas mongpakikinig sa iyong nadarama bago magpasya ang lilikha naman sa iyong isipanng pinakamaiging desisyon. Kadalasan, sila ang taong bihirang mabiktima ngscammer dahil mas namamayani ang boses na naririnig nila sa kanilangkalooban








Comments